Friday, October 6, 2017

Kumpiyansa sa sarili


Kung may isang pinakamalakas na sandata ang isang tao, ito ay ang tiwala sa sarili.


Kumpiyansa sa sarili, tiwala sa sarili. Nagsisimula ang lahat sa tingin mo sa sarili mo. Pinaka mahalaga sa lahat ang may pagtitiwala ka sa sarili sa bawa't aspeto ng ating buhay, ngunit marami sa atin ang patuloy sa pakikibaka, matagpuan lamang ito. Ang nakakalungko, mailap itong makamtan kung wala kang pananalig sa iyong kakayahan.


Atin ring tandaan na wag tayong matakot na sumuong at sumabak. Diyan magsisimula ang pag-usbong ng sarili mo.


~Flatulent

Still

Image result for holding hands art
Credits: Google Images 

Your love flows into my vein
When im with you 
Happiness flashes into my face
You love me still despite of my imperfections.

Now, Youve cause me pain
Tears are falling down to my face
Anxiety follows that youll leave me soon
But still i love you for the rest of my everydays

I get mad at you, 
argues with you.
Little fights continue
Still, i cant imagine tomorrows without you.


                                                                                                         ~Style

Muli

Related image
Credits: Google Images 

Sa iyong pagbabalik ako'y nasasabik

Kelan kaya mararamdaman muli iyong halik?

Kelan ka ba babalik? 

Babalik ka pa ba? O baka ayaw mo na.

Kahit wala ng materyal na bagay

Bastat ngiti mo ay masilayan

Mga ngiti mong nakatatak na sa aking isipan

Pagmamahal mong walang kapantay

Ang hirap ng mag isa, bumalik ka na

Sapagkat akoy nangungulila na

Ang hirap ng wala ka.

Mas lalong mahirap ang pakiramdam ng mag isa.

Kailangan kita, kailangan ko ng masasandalan

Kailangan kita, mahal kita .

Ikaw sanay bumalik na

Sa mga yakap mo ay nanabik na.

Takot akong mag isa, pakiramdam ko ay wala akong karamay

Walang nakakaintindi sakin baka hindi ko kayanin,

Mundong ito'y lisanin sa sarili kong kakayanan

Maari ba? Maari bang bumalik ka na hindi ko na kasi kaya.

Aking ina, sana ikaw ay bumalik na

Ang nais ko lang naman ay ang muli kang makasama

Yakap mo at mga halik ay ayos na

Kaya sana ay muli na kitang masilayan

Hanggat kaya ko pa, hihintayin kita.

Hanggang sa muli, aking ina mahal kita.

                               
                                                                                                             ~Style 

CINDERELLA ( THE SERVANT POINT OF VIEW )



Image result for cinderella
Credits: Google Images 

This day was so special because the King  announce that tonight will have a glamorous event, All the participant is Royal Blood from other Kingdom. When the night has come, visitors came one by one all them are so beautiful but this one girl got my attention, She was so gorgeous an epitome of beauty. All night all i wanna do is to stare with her but when midnight is come she become uncomfortable then she run fast and I also see the Prince chasing her but the Prince unfortunately didn't see her face but her shoe was left and i wish i'm the one who get the shoe


~Danger


Thursday, October 5, 2017

Mulat, Juan


Mga mata'y nakapinid sa mga katiwalian. Opinyon ng iilan ang pinapahalagahan. Kung sino pa ang nakakakita. Siya pa ang bulag sa katotohanan. Piping saksi sa katarungan. Tango at iling lang ang kasagutan. Bibig ay tikom sa kaganapan. Kung sino pa ang nakakarinig, siya pa ang Bingi. Bingi sa kamalayan, sarado ang pandinig sa ~Flatulent

Road trip

one morning
full of excitement
the sun
excited to shine
the engine
is now ready to take off
all the bags
have been packed
both of us
wear the shirt that we bought
the journey
of us already start
the path
that we take is full of joy
the breeze
slowly touch my skin
can't wait
to be there,
then we come to the place we dream
but suddenly
I wake up
it's all just a dream to be with you


~Danger

Ninanais

Maraming tao sa mundo na nais ang maglakbay sa malalayong lugar
Maraming tao sa mundo na nais matikman ang lahat ng pagkaen
Maraming tao sa mundo na nais masuot ang lahat ng damit
Maraming tao sa mundo na nais lahat ng gusto nila ay makuha

Pero may mga tao pa ren na masasaya sa maliliit na bagay sa mundo

Masasabi kong isa na ako sa mga taong ito

Dahil sa mga simpleng bagay masaya na ako
makasama ko lang yung taong mahal ko sa aking paglalakbay malayo man o malapit
kumaen ng pagkaen sa tabi-tabi
mag suot ng mga lumang damit
at yung gusto ko nakuha ko na at sapat na sa akin yun at hindi na muling hihiling pa pero kung may isang bagay pa akong hihilingin sa mundo ay yung manatili siya hanggang sa dulo.

Pongkan 🍊


~Danger



Tuesday, October 3, 2017

Ikaw ang aking Oryang pero hindi ako ang inyong Andres

Sabay nating binubo ang ating mga plano para sa ikakabuti natin
Sabay nating tiningala ang langit upang matanaw ang bituin natin
Sabay nating nilakaran ang daan na siyang nag husga sa atin
Sabay nating hinarap ang bawat pagsubok na binigay sa atin

Sabay tayong ngumiti ng magtagpo ang ating mga mata
Sabay tayong tumahimik ng matapos ang malakas nating tawa

Sabay man tayong nag lakbay
mananatili akong maiiwan sa tulay
unti-unting bibitawan ang iyong kamay
upang maituloy mo ang iyong paglalakbay


~Danger

Friday, September 29, 2017

Panorama




The world is sometimes filled with joy sometimes filled with love,and faith. But there are times wherein the world is filled with envy, sometimes filled with rage,and hate. Filled with things that get torned,get lost and things that fade. Things that got broken,crushed that once upon a time,was made. They say life is like a cycle,it goes up and down. Like faces,that gets glad,smiles and frowns. Like roses that have thorns and kings that have crowns. Like the one that survives,and the other one drowns. Life may not seem so easy,but we knew: easy things aren't worthy Life is determined by choices not with unending chances,aren't thee? Life starts when you've decided to stand up for what's right,not when you're forty Life is a wide panoramic photograph,captured with His eyes-only,truly. ~Decoder

Walang hanggan


Mamahalin kita kahit anong mangyari,
Mamahalin kita kahit sabihin pa nilang hindi maaari

Mamahalin kita,anuman ang sabihin nila
Mamahalin kita,mahal ko-wala nang iba.
Magbago man ang hugis ng mundo,
Maubos man ang mga salitang sasambitin ko para sayo
May isang bagay na hinding hindi magbabago,
Magbago na ang lahat,huwag lamang ikaw at ako.
Sa tuwing nasisilayan ka'y ibang ligaya ang nadarama,
Tipong ligaya ni Ding pag nakikita si Darna 😀
Siguro nga'y ibang klaseng saya ang dulot mo,oh aking sinta
Tipong sayang mapapaisip ako,"Lord sobrang bait ko ba?"
Kung isusulat ko sa tulang ito ang lahat ng aking gustong sabihin,
Tiyak na hindi lang linggo at buwan ang iyong hihintayin,
Ito'y kasingtagal ng panahong hindi na natin mabibilang,
Ito'y kasingtagal ng panahon na ating pagsasaluhan
                                                      ~Decoder

Friday, September 22, 2017

The Boy Who Cried Wolf (A Villager's Point Of View)

© Google Images 

It was a fine day in the village and every person just spends the remaining hours resting,including me. I'm already lying on my bed and was about to close my eyes to sleep when i heard a loud cry coming from the shepherd's place. I urgently went off my bed to get outside the house when i heard him shouting "There's a wolf! There's a wolf!" I know he was doomed,his sheeps might be eaten and might run away from his farm.

Several villagers are already outside running with sticks,guns,bats and stones in their hands. We ran as fast as we could only to see nothing,but the shepherd laughing at us. He said there is really no wolf at all,and so we all returned home with anger.

"That boy disturbed me from resting only to find he was just fooling us!" I exclaimed in madness.

The night passed and the morning came. The whole village was busy doing chores in our respective houses. I was busy hammering the woods when a sudden cry was again heard from the shepherd's place.  "WOLFFFF! Help me! There is a wolf!" the shepherd's loud cry. I hurriedly went outside to rescue the shepherd,along with me are our neighbors. But again,no wolf was seen;just a chuckling shepherd who told everyone there was really no wolf at all.
For the second time,we returned home infuriated by what he did.

"The next time he cried,i won't waste my time to help him just to figure out i'm being fooled!" I was really annoyed then.

Evening came and we're about to eat the dinner when a howling cry was again heard from the shepherd's place. "HELLPPPP! HELP ME! THERE IS A WOLF! MY SHEEPS ARE RUNNING AWAY!"
We heard his several cries but we proceeded in eating our dinner. The night passed and the morning came.

We went out to see the shepherd's farm and saw him crying.

"Where are your sheeps?" An old man asked. "I cried help last night but no one helped me! The sheeps are now lost!" the shepherd cried.

"You fooled us twice and you thought we will believe you in the third time? We will help you find your sheeps but this had been a lesson to you. Even if you're speaking the truth,no one will ever believe a LIAR"

~Decoder

Friday, September 15, 2017

Mahal kita pero sana matapos na.


Ang dami nating pagkakaiba, pero hindi yun hadlang para mahalin at alagaan ka.
Natatandaan mo pa ba mga panahong lagi tayong magkasama.
Kung nasaan ka, nandun din ako.
Halos hindi mapaghiwalay,kulang na lang tumira sa iisang bahay.
Pero anong nangyari? Nagkulang ba ako, o sumobra?
Kapag malungkot ka, malungkot din ako. Kapag may sakit ka, dadalawin kita. Pag may problema ka, nandun ako.
Inintindi kita, iniintindi kita hanggang ngayon.
kasi yung akala kong matalik kong kaibigan, nakalimutan na yata ako. Baka kasi hindi mo na ako kailangan, kasi may bago ka ng matatakbuhan.
Totoo pala no? "Friends can also break also your heart"
Pero hinihiling ko na sana matapos na, kasi kahit sabihin ko na wala na akong pake di padin pwede. Kasi naging malaking parte ka ng buhay ko. Sana maging masaya ka, yun lang naman hiling ko, kahit hindi na ako parte ng buhay mo.
Mahal kita, pero sana matapos na. Kasi masakit, sobra. Kasi yung akala kong matalik kong kaibigane pang habang buhay. Yun pala magiging parte na lang rin ng nakaraan.
Sana pahalagahan ka nila, gaya ng pagpapahalaga ko sayo. Matatapos rin ako, malapit na. Konti na lang makakausad din ako. Pasensya kana sa mga nagawa kong mali para sayo. Pero sana bago mo bilangin ying mga mali ko sana, sana maalala mo yung mga mabuting naidulot ko. ~Style


I'm proud of her

Her heart is breaking Her body is aching Here eyes were trembling Her voice was shaking She cried every night,but you may think she's alright No one is there when she cries All her smiles are full of lies You may found the truth in her eyes. She don't want to share her sorrow Coz she think discrimination will follow She hides all her pain at the back of her mind I'm proud of her she still manage to smile Even if she's breaking, screaming, and crying inside.

Image may contain: 5 people, people smiling, closeup and text

                                                                               ~Style

PANATA



Sabay nating nilayag ang Dagat Pasipiko, Kasinglalim ng bawat nating sakripisyo, Sabay rin nating nilabanan, Ang bawat ralyista sa ating pagmamahalan Naaalala ko pa noon. Mga ilang pares ng buwan na rin ang nakalilipas Nasaksihan ko ang bawat mong pagsubok, Ngunit dinurog natin ang lahat ng iyon!,na tila ba sila'y mumunti lamang na alikabok Ngunit may isa akong natutunan Panahon ay mabilis,parang along rumaragasa sa malawak na karagatan Pagbabago'y di na kayang tumbasan pa ng ABaKaDa Pero kayang panagutan ng mga titik na natira, Titik na tumutugon sa katagang A L A - A L A    
Masakit para sa aking isiping doon nalang ako kumakapit, Ngayo'y tila lubid,na sa leeg ko na unti-unting umiipit Pagsubok ang huminga,pagsubok ang kumawala Pero bakit sa parehong pagkakataon,ang laban natin ay ang PAGLAYA Mugtong mga mata ang testigo ko sa bawat pakikibaka Luha ang dumaplis sa aking mga mata upang matanaw ko ang nanlalabong pag-asa Ngunit ngayon himala yata na hindi padin nagigiba Ang samahan nating sinubok at hinubog ng tadhana. Walang takot kong sasambitin, Pangakong nagmula sa king puso'y aking ihahain Walang duda at pangamba, Hindi ka hahayaang malumbay at maiwang mag-isa. Pag-ibig na namumutawi sa labi ko ngayon, Ay ang pag-ibig na inipon ko ng labing-pitong taon At kahit lumipas na ang isang taon,ako na ngayo'y labingwalo Pag-ibig ko sayo'y mananatili; 'Di magbabago,at kailanma'y 'di maglalaho.

~Decoder

Friday, September 8, 2017

When i feel Frustrated




  
Frustration/Anger is an emotion that we naturally feel. People become frustrated when they fail to achieve their goals, both large and small. If you are constantly frustrated, it can build up into anger or bitterness. People sometimes need to express themselves, when they are very frustrated, in order to let it go. 



CRY         

                    It's nature's emotional release. It relieves stress and tension. Crying is an appropriate response to anger because it's something you do when you're at a loss with your feelings. So you cry when you have nowhere else to go with it. When you are extremely angry or frustrated the emotion builds up inside you and has to release. Crying is the result. It's good for you. It's stop you going out and murdering someone.




SAY THINGS YOU DON'T MEAN       
                                                         If you're frustrated to someone or something the risk of saying some evil things to them is higher. Your capacity for harshness quadruples. Anger it's a feeling that completely overtakes your personality. You do shocking things to satisfy the feeling and then when it's gone you're just like, "Oh shit? Did I just do that?" You don't feel like you have any control over yourself.


          Now, what are you doing, when you feel frustrated?


~Flatulent

Wake



There lived a girl- Iraya,who was born with a long hair filled with different colors. She is the only resident of their tribe to possess this kind of appearance. All her neighbors,the Datu,the Timawa,Uripons and even her family possess black hair.


Sehana grew up to be an independent person because her parents and siblings are always outside to hunt for their foods and woods. For such time,she was warned not to go outside because no one will look upon their house-her mother lied. Sehana has grown up obedient so she obeyed her mother.

While they were busy hunting and harvesting woods in the forest,she will just play her flute/will sing and look upon their attic's window to see the birds,stars and moon at night. She always feel good about looking at those things,for her,she could live all her life looking at these things.

Days have passed and her parents together with her siblings returned. They brought a feast-like harvest of crops and fruits,also 2 young hens. The family was so glad while having their dinner-the fruit of their labor.

Iraya grew up to be a very beautiful lady but still the same cycle has gone by. She was still left alone in their house with nothing else to do. 
For the first time,she then decided to go outside.

While walking on the front door steps of their house,people were astounded to see such a gorgeous face. People have gathered into a circle to look closely to her;each of them adores her beauty.

She sang to them,play with the kids and before the sun sets,she went inside their house to prepare for the return of her family. She didn't even noticed that some strands of her hair have turned black.

"What a tiring day!" her father said.
"It rained in the forest and our mother got sick!" Asuko have exclaimed.
They ate their dinner and the evening passed.

"Mother is dead"

The whole family sobbed early in the morning.

~Decoder 


Moon



In the night full of dark
but still have spark
from the people in the park
resting in the tree's bark


behind all those clouds
the moon wants avowed 
what is endowed 
thoughts that speak aloud 


                                                                                                         -Danger  


Friday, August 4, 2017

Takipsilim

Paglubog ng araw, pagsipot ng dilim. Mula sa asul ay naging kahel na kulay na ang kalangitan, sa pagsapit ng dilim, ang takipsilim. Niyebe hugis ng ulap, ating pinagmamasdan sa kalangitan. Kay gandang pagmasdan ang pagpinid ng araw, yaring takipsilim ay nangingibabaw. At sa bawat huni ng mga kuliglig isang tanda ng sumapit na ang gabi.
~Flatulent

Wednesday, August 2, 2017

Ganito tayo, tanda mo pa?


Hindi ko alam pano ko sisimulan, Ito na siguro ang pinakamagandang panahon para sumulat ng tula, Naalala ko pa noong panahon kung saan una kitang nakilala, Sa apat na sulok ng silid aralan kung saan kita unang nakatitigan, mga titig mong nagbibigay saakin ng kaba, Ganito yung mga panahon hindi maproseso ng aking isipan ang magulong katotohanang napakarami pala nating pagkakatulad, Ganitong panahon rin tayo nung manghang-mangha sa ating pagkakaiba, Ganito kainit noon nang magkwentuhan tayo ng makukulay at madidilim na yugto ng ating buhay, Na noong mainit na singaw ng panahon, na sa bawat pagpatak ng pawis ay siyang kay rami nating natututunan. Ganito tayo noon, naalala mo pa ba? O baka naman hindi na, ganun naman kasi diba lalo na't may bago ka ng kasakasama, O kay bilis ng panahong lumipas, Kasabay nito ang paglaho ng dating samahan, Na tila kay rami na ng pagbabago, Na akala koy sa kabila ng lahat ng ating pinagsamahan, Habang buhay na kasiyahan ay aking inaasahan, Ang dating walang hanggan, nagkaroon na ng katapusan, Tanda mo pa ba yung mga kwentuhan natin, sabi mo pa saakin 'paano ba yan wala ng iwanan', Pero ngayon ako ang naiwan, Tanda mo pa ba nung nag mensahe ka, sabi mo bakit ganun sinasabi nilang tunay kang kaibigan, Pero unti-unti kang iniwan, Pero ngayon handa naman akong manatili pero bakit mo ako iniwan, Naalala mo pa ba ako? Hindi ko alam. Siguro hindi na, nakalimot ka na. Masaya naman dati diba? Kahit anong problema kinakaya, kaso biglang nagbago ang lahat, Bakit tila biglang di mo na ako kailangan? Lumipas ang mga araw at tila masaya ka naman at dimo na ako naaalala, Tanda ko pa yung huling pag uusap natin, nagbitaw ka ng mga makahulugang salita, "Ako pa rin ba o baka naman hindi na" Saglit akong napahinto at nagtataka, hindi ba dapat ako ang magtanong sayo ng mga salitang iyan?, Kaya naman pinilit kong maging masaya na, Hindi ko kasi alam kung babalik ka pa, Siguro nga dapat maging masaya nalang ako para sayo, Siguro nga ito na ang panahon para sarili kon ang hanapin ko, Ganito naman tayo bago maging magkakilala, tanda mo pa? Kaya naman salamat sa halos tatlong taon na nakasama kita, hanggang sa muli, Paalam. ~Hydrogenx

Friday, July 28, 2017

Reunion




     I met a boy whose eyes no longer light. No matter how hard he tried, all he sees is darkness. In the cave where he lived in, there are plenty of faces he talks to with and each one has a name: Anger, Guilt, Envy, Pain and Vengeance. But they aren’t friends since the beginning of time, he have met them a little while before he met me. It was always a whirlwind of emotions whenever I try to open the door where they reside, he just never let me have a glimpse of them, not even once. Since then, he and I are always together; we ran, we climb, we laugh, and we’ve shared our own universes, all the songs and the verses. But there’s one thing he can’t tell, since the day we’ve met he has never told me about his name, I just don’t know why he can’t remember. Sunrise and sunsets of being together and he teased me that I’m always full of hope, funny cause that’s really my name, he forgot that I am Hope. I asked if we will be returning to the cave where he lived and he said no. “Then when will you come back home?” he hugged me and replied “I’m already home”. His eyes became the torch we used to build when we feel cold; ironically, it have never felt so old. His eyes, they have been gleaming all over the places our feet have touched. As we run across the woods, I held your hand and told you that I was scared of not being able to go back from  where we started – “Not all who wander are lost”, your lips mumbled as you caressed my face, in my mind it keeps on repeating “somehow that was everything”.  We have reached the end and found the clearest waters in the world.; And I know to myself that I have never seen such a wonderful view: you we’re looking at it, and I was looking at you. He’s an open box in front of me, the depth of how I’ve known him. But he’s a wild flower, whose name he still hasn’t grasped. We stayed there for a couple of hours, staring at the skies, we’re mesmerized. The stars have aligned as to my heart have aligned to you, the way it’s supposed to be even way back before. And then you speak suddenly, staring straight through my soul’s lenses. “I have found myself when I have found you” his eyes sparkled as the crystallized liquid have found their way out. “All this time, I’ve never realized, you’re always there for me. I left for a long time I forgot, there are things I didn’t see, but how lucky I am that for the second time, we’re being brought by fate”
“All the heartaches have never turned me down, all the roads I’ve crossed for you, now I’m glad to know you’ve found yourself again, welcome back my Faith” - Hope


                                                                                                                         ~Decoder



Bituin





Ang lapit mo lang sakin, pero bakit tila ang hirap mong abutin?
Ang ganda mong pagmasdan, nakakagaan ng pakiramdam.
Ano nga bang meron ka na wala sa iba?
Pagtinititigan ka lalo kang gumaganda
Ikaw ang gabay sa mga panahong ako ay naliligaw
Sa kabila ng madilim na gabi, ikaw ang nagsisilbing liwanag.
Ikaw ang nakakaalam ng bawat pag luha sa gabi,
Oo nga at maraming katulad mo, pero ikaw ang pinaka gusto ko.
Bawat kasiyahan sayo ko lamang sinasabi,
Hanggang dito na lang siguro ako,
Ikaw ang nakakaalam lahat ng sa akin.

Bakit kasi hindi kita kayang abutin,
Oo nga pala alam ko ang limitasyon natin
okay na akong nakikita ka mula sa malayo.
Handang tumanaw mula sa malayo.
Aabangan bawat pag kinang mo.
Ang labong makamtan ka Dahil ang layo natin sa isa't isa okay na akong nakikita ka mula sa malayo. Isipin ko lang na nandiyan ka, nakikita kita, Okay na ako kahit hindi ako ang nag mamay ari sayo. ~Style

Inay

Para sa babaeng nag bigay ng aking buhay 
ang tulang ito ay tanging sayo ay alay
 iyong kadikilaanan ay karapat-dapat bigyan ng pagpupugay 
 pagmamahal na iyong bigay ay nagsilbing gabay 

upang tahakin ang mundong ibabaw
ng walang takot gumalaw
at magkaroon ng sariling pananaw
upang ang katotohanan ay lumitaw 

ikaw ang nagsilbing ilaw at haligi ng ating tahanan
at kapag ako ay umiiyak ikaw ang  taga tahan 
lungkot ay pinapalitan ng kasiyahan 
lahat ng problema ay iyong pasan 

hindi ko matanaw ang bukas
kung ikaw ay lilisan
mamumulupot sa tabi na parang ahas 
kapag ako iyong iniwanan

Pangakong ikaw ay aalagaan sa iyong pag tanda
asahan mong ikaw walang sawang iintindihin
kapag ang pandinig mo ay mahina na 
buong puso ka parin tatangapin 


                                                                                                               ~Danger 

Saturday, July 22, 2017

Each Count of Ten.

One. Can't clearly remember the last time I saw your face. Oh, Its been 4 years but everything has change but your physical appearance is still the same. Two. I remember in our first meeting I was only 9 years old that but I do heinous things towards you in a short period of time that we knew each other. But you always told me that everything has a reason why did I do that. Three. You lead me to the LORD, you told me that there is one and only that can save us on our sin. But at first I doubt but then along to getting know more about HIM I really thankful to you. Four. You make me experience to be loved back without any replacement. The unconditional that I receive is priceless. You sacrifice everything you had, you always make extra effort to make me smile. Five. The day come, you need to leave me again. You told me that everything you'll do it's his plans that I need to have a strongest faith. Six. A year passed by you called me and telling me that you your going home.An Im so happy to say that na Yes you've been telling me that for so many time, but Im very excited to see you again. Seven. You're now detained and after two weeks your now flying back. I can't wait. Eight. Hoping that they considered you as people not animals. Hoped that you always eating even tho you don't like the taste of the food. You once told me that when your in detained they just giving you a sour bread and a vegetable. So hoping that you're doing good. Nine. I'm making a plan for us to make extra special and memorable memories soon. Take note it's detailed, every place that soon we'll go. Ten. Even tho we always fight in the past you'll always be my number one gorgeous in the world. So please hurry up time! We'll gonna make a memories with each other. -hydrogenx

Friday, July 21, 2017

My Beau

What is Beau?
When you search it on the Internet, result will appear and it says ''A woman's male lover or Friend.'' But what if your Lover and Friend was the same person? You think it is impossible? Let's see.
Lover Lover is somebody that you love, and especially in the romantic/sexual sense. It also somebody you really care about and would most likely give your life to make them happy.
Friend A friend is someone you can depend on. Someone you can talk to and help you in everything. Even through ups and down, there always in your side to support you.
Your lucky if you found a someone, not only will be your lover but also a friend. So if you found that person, appreciate and love them will all your heart.
Your lucky if you found a someone, not only will be your lover but also a friend. So if you found that person, appreciate and love them will all your heart.
~Flatulent

07-Seventeen-17.


It is the happiest seventeen day of my life.
I didn't know that you'll be so special for me, i thought being friends to you would be enough. We are so different from each other, we have those contrast personality with each other. You're a Kathniel fan, i'm a jadine fan. You're sweet, im a cold person, you're an extrovert while im an introvert. You can express what your feelings are and i can't. You're friendly, im not.

I dont believe in opposite attraction, but having you now in my life i think i started to believe. Yes, im attracted to you. And im willing to know you better.
We both know that there is time for everything.
Always remember that you're loved. I greatly appreciate every inch of you. I can't say it personally how you mean to me, so i wrote this piece for you.
Everything happens for a reason right? Maybe its not clear right now, but we will know that this reason makes us a better person.
I'll always be your princess, hold my hand as long as you can. You are my sunshine, my pringles. I just thank God that i have this chance to know you deeply, and i can see that he created you awesomely.
Thank you for always being there when i needed you the most. I'll cherish every moment that i'm with you.


                                                                                                                  ~Style

THE GLITCH IN THE FREEDOM OF SPEECH

Freedom of speech is the concept of the inherent human right to voice one's opinion publicly without fear of censorship or punishment. "Speech" is not limited to public speaking and is generally taken to include other forms of expression. The right is preserved in the United Nations Universal Declaration of Human Rights and is granted formal recognition by the laws of most nations. Nonetheless the degree to which the right is upheld in practice varies greatly from one nation to another. In many nations, particularly those with relatively authoritarian forms of government, overt government censorship is enforced. Censorship has also been claimed to occur in other forms and there are different approaches to issues such as hate speechobscenity, and defamation laws even in countries seen as liberal democracies.” – Wikipedia



Have you ever been to a place so quiet? Wherein it’s your heartbeat that you only hear? That’s just simply impossible. Everywhere and every time: People ALWAYS speak. People always express themselves. People always voice out their opinions. People always reach out to other people, we always talk because we are free to do so. There is no such law that prohibits us from speaking or expressing ourselves. For most of the times when we speak, we tend to be productive, we tend to make friends, we tend to create great things, we tend to inspire other people, we tend to teach people about the things that we know, but everything has it’s pros and cons for there are several times that we hurt, we offend, we disrespect, we judge other people when we speak.
BASHING OTHER PEOPLE

Language is meant to be spoken but there are really some people that don’t care anymore about the right choice of words to say. It’s normal to have our own impressions and perceptions about the people we cross paths with, but there are those times that we have our negative impressions about them; there are people that no matter what we do, we just don’t like them at all. It’s inevitable but we can just keep it to ourselves or better talk to them about it so that the problem will be addressed. Bashers just can’t contain it to themselves and speak out their hate resulting most of the times to character assassination and pain to the one they’re bashing. There are cases when people get depressed because of this shameful act, they lose their confidence and self-esteem affecting their everyday lives. The next time we bash people, imagine yourself the one being bashed.

VERBAL ABUSE
As mortals, it is impossible for us not to make mistakes and not to hurt other people even once in our lives through our mouth, but taking it to a new level is a no-no. When we’re angry, we can’t prevent our lips from spitting painful words to the one’s we’re having problems with. But as been defined to our lesson in oral communication last year, once words have been said you cannot turn back time and wish to “un-say” it. All the words we say will left a mark in them and it will always be remembered like a scene from a movie. Don’t use the freedom of speech to torment other people’s feelings. Instead, use it to encourage and inspire them on whatever they do.

DESTRUCTIVE CRITICISMS
There is this thing called constructive criticisms like what students are having when they present their work or when they ask for suggestions simply for the betterment of their selves or their works. But there is also destructive criticism in which it is associated to the negative way of criticizing others even worst when addressed in a rude manner. If we want to critic someone or something, isn’t it ethically correct to approach them in a polite or assertive manner? We should always seek for a win-win strategy wherein both of you will benefit: you have helped them, they got better.

T.H.I.N.K BEFORE YOU SPEAK!


                                                                                                     
                                                                                                                   ~Decoder



Tuesday, July 18, 2017

The most beautiful rose in the ocean of flowers

Princess 

Last Friday, I had a dream, unforgettable dream 
my dream is all about you
I met you in the party at palace wearing a blue beautiful gown then i came in back of you but suddenly you ran away 

Last Saturday, I had a dream again, an unforgettable dream again
my dream is all about you again 
this time i met you in forest surrounded by 7 people, eating apple when the time i slowly walking toward with you but suddenly fell asleep 

And today this is not a dream anymore, Finally i found my own Princess 
that i will follow if you run away and the one who will i kiss if you fell asleep because of curse 
You're my Princess and this world is our Palace 
Everything belong to me also belongs to you 


                                                                                                                           ~Danger

Friday, July 14, 2017

PAMILYA



Ano nga ba ang pamilya?? Sila lang naman yung kasama natin sa saya at lungkot. Sila ren yung unang tao na matatakbuhan naten sa oras ng pangangailangan. Yung bang kahit na tinalikuran ka na ng buong mundo, sila tanggap ka parin kung sino at ano ka. Ang sarap magkaroon ng pamilya na hindi ka pababayaan kahit ano man ang mangyari at susuportahan ka sa lahat ng bagay na iyong ninanais. Kaya sana pahalagahan at mahalin natin sila dahil maiksi lang ang buhay, ang sarap kaya sa pakiramdam na naipaparamdam mo sakanila na mahal at mahalaga sila sayo. ~Flatulent

Ang nag iisang babae na kawal sa gitna ng giyera

Image result for new born baby in hospital images
© Google

Inay, Siyam na pung taon na ang naka lipas simula nung niluwal mo ako mula sa iyong sinapupunan
Inay, Naalala mo pa ba nung kung ilang beses ka umiri 
Inay, Naalala mo pa ba kung paano ako paluhin sa pwet para lamang umiyak ako 
Inay, Naalala mo pa ba kung paano ako putulin mga  pusod na nag dudugtong sa atin
Inay, Naalala mo pa ba kung paano ako balutan ng mga sapin at ilagay sa tabi mo
Inay, Naalala mo pa ba kung gaano ka kasaya nung una mo akong nakita 

Image result for broken family
© Google
Inay alam kong hindi mo yan makaka limutan at ito'y tatak sa isip at puso mo pang habang buhay 
kung na ikwento mo lang sana sa akin to, hindi ko ren makakalimutan ang lahat ng iyan 
Inay ikaw ang nagsilbing ama't ina sa akin magmula nung ako bata pa hanggang sa mga oras na ito 
siguro nga hindi para sa ating dalawa ang tinatawag nilang buong pamilya na may sangkap na 
tatay,nanay at mga anak. Nung ako ay bata pa hindi ko naman pansin na may kulang dahil iyo naman itong napupunan at ng mga taong naka paligid sa atin 
ngunit dumating na ang panahon na ako'y nagkaroon ng tamang pag iisip at tilay napapansin na ang kulang sa tinatawag nating pamilya, 
Nagtanong sa aking sarili " Bakit  yung iba may  lalaki na tinawag nilang tatay sa pamilya nila?  Bakit yung sa akin wala?

Lumipas ang mga taon, dumating ka sa punto na kailangan mo akong iwan sa poder nila lola't lolo ko 
upang magtrabaho para sa aking kinabukasan 
Wala man lang nabangit na ikaw ay lilisan, na sana ako man lang sana'y naka yakap 
Tila'y walang emosyon akong naka tingin mula sa ating bintana tinatanaw ang unti-unti mong paglayo 

Inay, sana naman ikaw bumalik na
humihiling  kay Bathala,  Na sana isang araw pag gising ko ikaw ang bubungad sa akin 
Inay, bigla kong naalala ang kantang " Sa Ugoy ng duyan" 
ang bawat mensahe ng kanta na para bang siyang naglalahad ng nangyari sa ating buhay 
" Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan"


                                                                                                                                     ~Danger

Peace of Mind


 Karamihan saatin ay naninirahan sa isang magulo, maingay at mataong  lugar. Yung araw araw na lumipas, ang dasal mo lang ay ang makatawid sa susunod na pagsikat ng araw. Ngunit isang araw nagtungo ako sa lugar kung saan inakala ko'y isa ulit magulong mundo, sa pagnanasa na sarili'y matagpuan. Ngunit sa lugar na aking napuntahan ay isang tahimik at napakagandang lugar, sa lugar kung saan ko natagpuan ang tunay na ligaya, walang problema nalilikha kundi katahimikan at napakapreskong lugar. Dumating ang panibagong araw sa mala-paraisong lugar, sinalubong ang panibagong umaga bitbit ang bagong pagasa at pangarap na unti unti mong binuo sa lugar gaya nito, tutuparin sa bawat pahinang binubuklat at sinasaisip. 


           Ngunit ako'y muling lilisan sa napakagandang paraiso iyong nilikha, tila ba sa mga yabag papalayo nakikiusap ito na dumito muna't manalagi sapagkat nararamdamam mo na ako'y muling tatangis, sa darating na mga araw ikaw ay muling mag iisa, o napakapayapang paraiso salamat sa kaunting panahon na aking pamamalagi sa iyong napakapayapang lugar na iyong ibinahagi. Eto na pabalik na sa dating maingay na mundo aking kina-gisnan tila ba'y ako ay nagkamali sa akinv pinatunguhan, ang lakbay na inasam ay wala rin palag sukli. Bakit nga ba lumayo pa? Di ko lubos na mawari na ang hinahanap kong sarili ay nasa akin lang din pala. Tila isang hanging nagmula sa kawala'y ang umihip saakin sa katotoohanan.

                                                 
                                                                                   ~Hydrogenx


PANG HABANG BUHAY



Yung kahit hindi naman kami karamihan at may kakontian atleast walang plastikan. Sa bawat araw na magkakasama walang tagpong hindi masaya. Hindi man kami mayayaman, kagwapuhan at kagandahan atleast kuntento kami kung ano ang aming nakayanan. 


Siguro nga bawat isa samin ay hindi perpektong kaibigan, dahil wala naman talagang perpekto, may asaran, kulitan,  at hindi mga pagkaka intindihan kung minsan pero dahil mas importante ang pinagsamahan kesa pinag awayan naayos rin agad agaran. 

Mahalaga bawat isa, walang naiiwan walang nauuna. 
Lahat may kanya kanyang naiibang katangian. Bawat isa espesyal, at kahit ano mang sabihin ng iba kami kami ang nag kakaintindihan. Yung kahit isang tinginan lang alam na kung ano ang sinasabi. 
Sila yung kayamanang hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano mang bagay. 

Mahal ko bawat isa, pwedeng magpayo pag may hindi nag kaintindihan, pero kahit kelan wala ka dapat panigan. Tulungan mo silang magkaayos, hindi yung gusot na nga, lulukutin mo pa. 
Kaibigan sabi nila, pero para sakin hindiang sila basta kaibigan lang sila yung mga kapatid ko, sa iba't ibang magulang. 
Nagkakatalo lang pag pagkain ang usapan at pare parehong kumakalam ang tiyan.

                                                                         
                                                                                 ~Style 

Liham para sa Modernong Ibarra at Maria Clara


Pagkabukas mo pa lamang ng Facebook account ay baha na ng mga posts mula sa iba’t ibang uri ng tao mula sa iba’t ibang dako ng daigdig: matatanda,may pamilya,kabataan,lalaki,babae,binabae,may pusong lalaki at kahit pa sa paslit ang makikita mong nagiistatus ng mga bagay na tungkol sa pagibig. “Pag-Ibig nga naman!”

PAG-IBIG? PAG-IBIG.

Ano nga ba ang pag-ibig sa iyong pagkakaalam? Nang isinulat ko ang salitang ito sa isang search engine website sa internet,samu’t saring kahulugan at mga pinatutungkulan ang bagay na ito. Kabulang na dito ang ahensya ng gobyerno,at ang iba’t ibang klaseng depinisyon,konotasyon at denotasyon nito bilang isang 

Ano nga ba ang pag-ibig sa iyong pagkakaalam? Nang isinulat ko ang salitang ito sa isang search engine website sa internet,samu’t saring kahulugan at mga pinatutungkulan ang bagay na ito. Kabulang na dito ang ahensya ng gobyerno,at ang iba’t ibang klaseng depinisyon,konotasyon at denotasyon nito bilang isang emosyon na umiiral sa bawat tao. Halimbawa na ang ilang resultang nakasalin sa wikang Ingles sa ibaba:
Love is a variety of different feelings, states, and attitudes that ranges from interpersonal affection – Wikipedia
strong affection for another arising out of kinship or personal ties maternal love for a child (2) :  attraction based on sexual desire :  affection and tenderness felt by lovers – Merriam Webster Dictionary
Love is one of the most profound emotions known to human beings – Psychology Today
Sa inyong mahihinuha sa mga iba’t ibang pakahulugan ng salitang pag-ibig,nag-iiba iba ang konteksto nito depende sa kung kanino nangagaling ang sagot. May nagsabi pa nga na ang pag-ibig daw ang nagpapaikot a mundo. Ikaw ba ay sang-ayon?;ngunit ano pa man ang iyong panig,ang pag-ibig ay isang paksang may walang katapusang ibig sabihin at mayroon itong iba’t ibang uri na dapat mong malaman.
EROS

Ito ang uri ng pag-ibig kung saan may kapaloob na sexual desire o pagnanasa ang isang tao. Madalas sa klase ng relasyong mayroon dito ay binubuo ng magkaibang kasarian,karaniwan sa mag-asawa ngunit madalas ay mayroon din sa mga magkasintahan. Noong unang panahon ay itinuring nila itong mapanganib sapagkat ang ganitong klase ng pag ibig daw ay maaaring makakontrol sa sistema ng isang tao.
PHILIA
    
Ito ang klase ng pag-ibig na mas pinahalagahan ng mga unang Griyego. Ang Philia ay mas malalim na konteksto kung ikukumpara sa Eros. Ito ang klase ng pag-ibig na may katapatan at pagsasakripisyo,gaya ng mayroon sa mga magkakapatiran/magkakapatid,ang isa pang klase ng philia ang storge,uri ng pag-ibig ng nanay sa kanyang mga anak: pamilya sa pamilya.
LUDUS
Ito ay sinasabi ring mapaglarong pag-ibig. Ito ay klase ng pag-ibig na kinapapalooban ng simpleng landian lamang sa pagitan ng babae at ng lalaki. Ito rin ay ipinatutungkol sa mga batang magkasintahan o yung sinasabing child’s romance. Walang commitment sa pagitan ng dalawang tao at panandaliang kasiyahan lamang ang naidudulot nito. Sa aking pananaw,marami sa mga tao ngayon ang nagsasabuhay nito.
AGAPE
Ito ang klase ng pag-ibig na walang kinapapaloobang kondisyon. “Selfless” sa wikang Ingles ang isa pa nitong katumbas. Ang agape para sa mga kristiyano ay ang pag-ibig ng Diyos kung saan walang hanggan at walang hanggang pagpapatawad datapwat sa lahat ng pagkakasala ng mga tao.

PRAGMA
Ito ang klase ng pag-ibig na nabuo sa mga matatagal at subok na relasyon kagaya nang sa mag-asawa. Sa bagay na ito,ipinapairal ang mahabang pasensya at pagpapatawad upang magpatuloy ang relasyon ngunit ang mas ipinopokus nito ay ang magbigay ng pag-ibig kaysa makatanggap nito. Kumbaga sa Ingles “Stand in love kaysa Fall in love”. Para sa akin,ang pag-ibig na ito ay isang desisyon.

PHILAUTIA
Ito ang pagmamahal o pag-ibig sa sarili. Wala namang masama sa pagmamahal natin sa sarili dahil dito maalagaan natin lubos ang ating pangangatawan,kalusugan at lahat ng nasasaklaw sa atin bilang tao ngunit ang lahat ng sobra ay nakasasama. Ang ibang termino para dito ay “Narcissist” na isinalin din ng mga kabataan sa may pagkakaparehong konteksto ng ‘GGSS” o Gandang Ganda/Gwapong Gwapo Sa Sarili.

Kung ibubuod,ang salitang pag-ibig ay may walang katapusang ibig sabihin para sa bawat taong makakasalamuha natin ngunit mahalagang malaman natin na may iba’t iba itong kasidhian at kasukdulan.
Ikaw? Anong pag-ibig ang mayroon ka? 

         
                                                                                                        ~Decoder