Friday, August 4, 2017

Takipsilim

Paglubog ng araw, pagsipot ng dilim. Mula sa asul ay naging kahel na kulay na ang kalangitan, sa pagsapit ng dilim, ang takipsilim. Niyebe hugis ng ulap, ating pinagmamasdan sa kalangitan. Kay gandang pagmasdan ang pagpinid ng araw, yaring takipsilim ay nangingibabaw. At sa bawat huni ng mga kuliglig isang tanda ng sumapit na ang gabi.
~Flatulent

No comments:

Post a Comment