Ang lapit mo lang sakin, pero bakit tila ang hirap mong abutin?
Ang ganda mong pagmasdan, nakakagaan ng pakiramdam.
Ano nga bang meron ka na wala sa iba?
Pagtinititigan ka lalo kang gumaganda
Ikaw ang gabay sa mga panahong ako ay naliligaw
Sa kabila ng madilim na gabi, ikaw ang nagsisilbing liwanag.
Ikaw ang nakakaalam ng bawat pag luha sa gabi,
Oo nga at maraming katulad mo, pero ikaw ang pinaka gusto ko.
Bawat kasiyahan sayo ko lamang sinasabi,
Hanggang dito na lang siguro ako,
Ikaw ang nakakaalam lahat ng sa akin.
Bakit kasi hindi kita kayang abutin,
Oo nga pala alam ko ang limitasyon natin
okay na akong nakikita ka mula sa malayo.
Handang tumanaw mula sa malayo.
Aabangan bawat pag kinang mo.
Ang labong makamtan ka
Dahil ang layo natin sa isa't isa
okay na akong nakikita ka mula sa malayo.
Isipin ko lang na nandiyan ka, nakikita kita,
Okay na ako kahit hindi ako ang nag mamay ari sayo.
~Style
No comments:
Post a Comment