Ang dami nating pagkakaiba, pero hindi yun hadlang para mahalin at alagaan ka.
Natatandaan mo pa ba mga panahong lagi tayong magkasama.
Kung nasaan ka, nandun din ako.
Halos hindi mapaghiwalay,kulang na lang tumira sa iisang bahay.
Pero anong nangyari? Nagkulang ba ako, o sumobra?
Kapag malungkot ka, malungkot din ako. Kapag may sakit ka, dadalawin kita. Pag may problema ka, nandun ako.
Inintindi kita, iniintindi kita hanggang ngayon.
kasi yung akala kong matalik kong kaibigan, nakalimutan na yata ako.
Baka kasi hindi mo na ako kailangan, kasi may bago ka ng matatakbuhan.
Totoo pala no? "Friends can also break also your heart"
Pero hinihiling ko na sana matapos na, kasi kahit sabihin ko na wala na akong pake di padin pwede. Kasi naging malaking parte ka ng buhay ko.
Sana maging masaya ka, yun lang naman hiling ko, kahit hindi na ako parte ng buhay mo.
Mahal kita, pero sana matapos na. Kasi masakit, sobra. Kasi yung akala kong matalik kong kaibigane pang habang buhay. Yun pala magiging parte na lang rin ng nakaraan.
Sana pahalagahan ka nila, gaya ng pagpapahalaga ko sayo.
Matatapos rin ako, malapit na. Konti na lang makakausad din ako. Pasensya kana sa mga nagawa kong mali para sayo. Pero sana bago mo bilangin ying mga mali ko sana, sana maalala mo yung mga mabuting naidulot ko.
~Style
No comments:
Post a Comment