Friday, September 15, 2017

PANATA



Sabay nating nilayag ang Dagat Pasipiko, Kasinglalim ng bawat nating sakripisyo, Sabay rin nating nilabanan, Ang bawat ralyista sa ating pagmamahalan Naaalala ko pa noon. Mga ilang pares ng buwan na rin ang nakalilipas Nasaksihan ko ang bawat mong pagsubok, Ngunit dinurog natin ang lahat ng iyon!,na tila ba sila'y mumunti lamang na alikabok Ngunit may isa akong natutunan Panahon ay mabilis,parang along rumaragasa sa malawak na karagatan Pagbabago'y di na kayang tumbasan pa ng ABaKaDa Pero kayang panagutan ng mga titik na natira, Titik na tumutugon sa katagang A L A - A L A    
Masakit para sa aking isiping doon nalang ako kumakapit, Ngayo'y tila lubid,na sa leeg ko na unti-unting umiipit Pagsubok ang huminga,pagsubok ang kumawala Pero bakit sa parehong pagkakataon,ang laban natin ay ang PAGLAYA Mugtong mga mata ang testigo ko sa bawat pakikibaka Luha ang dumaplis sa aking mga mata upang matanaw ko ang nanlalabong pag-asa Ngunit ngayon himala yata na hindi padin nagigiba Ang samahan nating sinubok at hinubog ng tadhana. Walang takot kong sasambitin, Pangakong nagmula sa king puso'y aking ihahain Walang duda at pangamba, Hindi ka hahayaang malumbay at maiwang mag-isa. Pag-ibig na namumutawi sa labi ko ngayon, Ay ang pag-ibig na inipon ko ng labing-pitong taon At kahit lumipas na ang isang taon,ako na ngayo'y labingwalo Pag-ibig ko sayo'y mananatili; 'Di magbabago,at kailanma'y 'di maglalaho.

~Decoder

No comments:

Post a Comment