Mamahalin kita kahit anong mangyari,
Mamahalin kita kahit sabihin pa nilang hindi maaari
Mamahalin kita,anuman ang sabihin nila
Mamahalin kita,mahal ko-wala nang iba.
Magbago man ang hugis ng mundo,
Maubos man ang mga salitang sasambitin ko para sayo
May isang bagay na hinding hindi magbabago,
Magbago na ang lahat,huwag lamang ikaw at ako.
Sa tuwing nasisilayan ka'y ibang ligaya ang nadarama,
Tipong ligaya ni Ding pag nakikita si Darna 

Siguro nga'y ibang klaseng saya ang dulot mo,oh aking sinta
Tipong sayang mapapaisip ako,"Lord sobrang bait ko ba?"
Kung isusulat ko sa tulang ito ang lahat ng aking gustong sabihin,
Tiyak na hindi lang linggo at buwan ang iyong hihintayin,
Ito'y kasingtagal ng panahong hindi na natin mabibilang,
Ito'y kasingtagal ng panahon na ating pagsasaluhan
~Decoder
No comments:
Post a Comment