Muli
 |
| Credits: Google Images |
Sa iyong pagbabalik ako'y nasasabik
Kelan kaya mararamdaman muli iyong halik?
Kelan ka ba babalik?
Babalik ka pa ba? O baka ayaw mo na.
Kahit wala ng materyal na bagay
Bastat ngiti mo ay masilayan
Mga ngiti mong nakatatak na sa aking isipan
Pagmamahal mong walang kapantay
Ang hirap ng mag isa, bumalik ka na
Sapagkat akoy nangungulila na
Ang hirap ng wala ka.
Mas lalong mahirap ang pakiramdam ng mag isa.
Kailangan kita, kailangan ko ng masasandalan
Kailangan kita, mahal kita .
Ikaw sanay bumalik na
Sa mga yakap mo ay nanabik na.
Takot akong mag isa, pakiramdam ko ay wala akong karamay
Walang nakakaintindi sakin baka hindi ko kayanin,
Mundong ito'y lisanin sa sarili kong kakayanan
Maari ba? Maari bang bumalik ka na hindi ko na kasi kaya.
Aking ina, sana ikaw ay bumalik na
Ang nais ko lang naman ay ang muli kang makasama
Yakap mo at mga halik ay ayos na
Kaya sana ay muli na kitang masilayan
Hanggat kaya ko pa, hihintayin kita.
Hanggang sa muli, aking ina mahal kita.
~Style
No comments:
Post a Comment