Para sa babaeng nag bigay ng aking buhay
ang tulang ito ay tanging sayo ay alay
iyong kadikilaanan ay karapat-dapat bigyan ng pagpupugay
pagmamahal na iyong bigay ay nagsilbing gabay
upang tahakin ang mundong ibabaw
ng walang takot gumalaw
at magkaroon ng sariling pananaw
upang ang katotohanan ay lumitaw
ikaw ang nagsilbing ilaw at haligi ng ating tahanan
at kapag ako ay umiiyak ikaw ang taga tahan
lungkot ay pinapalitan ng kasiyahan
lahat ng problema ay iyong pasan
hindi ko matanaw ang bukas
kung ikaw ay lilisan
mamumulupot sa tabi na parang ahas
kapag ako iyong iniwanan
Pangakong ikaw ay aalagaan sa iyong pag tanda
asahan mong ikaw walang sawang iintindihin
kapag ang pandinig mo ay mahina na
buong puso ka parin tatangapin
~Danger
No comments:
Post a Comment