Ganito tayo, tanda mo pa?

Hindi ko alam pano ko sisimulan,
Ito na siguro ang pinakamagandang panahon para sumulat ng tula,
Naalala ko pa noong panahon kung saan una kitang nakilala,
Sa apat na sulok ng silid aralan kung saan kita unang nakatitigan, mga titig mong nagbibigay saakin ng kaba,
Ganito yung mga panahon hindi maproseso ng aking isipan ang magulong katotohanang napakarami pala nating pagkakatulad,
Ganitong panahon rin tayo nung manghang-mangha sa ating pagkakaiba,
Ganito kainit noon nang magkwentuhan tayo ng makukulay at madidilim na yugto ng ating buhay,
Na noong mainit na singaw ng panahon, na sa bawat pagpatak ng pawis ay siyang kay rami nating natututunan.
Ganito tayo noon, naalala mo pa ba?
O baka naman hindi na, ganun naman kasi diba lalo na't may bago ka ng kasakasama,
O kay bilis ng panahong lumipas,
Kasabay nito ang paglaho ng dating samahan,
Na tila kay rami na ng pagbabago,
Na akala koy sa kabila ng lahat ng ating pinagsamahan,
Habang buhay na kasiyahan ay aking inaasahan,
Ang dating walang hanggan, nagkaroon na ng katapusan,
Tanda mo pa ba yung mga kwentuhan natin, sabi mo pa saakin 'paano ba yan wala ng iwanan',
Pero ngayon ako ang naiwan,
Tanda mo pa ba nung nag mensahe ka, sabi mo bakit ganun sinasabi nilang tunay kang kaibigan,
Pero unti-unti kang iniwan,
Pero ngayon handa naman akong manatili pero bakit mo ako iniwan,
Naalala mo pa ba ako? Hindi ko alam. Siguro hindi na, nakalimot ka na.
Masaya naman dati diba? Kahit anong problema kinakaya, kaso biglang nagbago ang lahat,
Bakit tila biglang di mo na ako kailangan?
Lumipas ang mga araw at tila masaya ka naman at dimo na ako naaalala,
Tanda ko pa yung huling pag uusap natin, nagbitaw ka ng mga makahulugang salita,
"Ako pa rin ba o baka naman hindi na"
Saglit akong napahinto at nagtataka, hindi ba dapat ako ang magtanong sayo ng mga salitang iyan?,
Kaya naman pinilit kong maging masaya na,
Hindi ko kasi alam kung babalik ka pa,
Siguro nga dapat maging masaya nalang ako para sayo,
Siguro nga ito na ang panahon para sarili kon ang hanapin ko,
Ganito naman tayo bago maging magkakilala, tanda mo pa?
Kaya naman salamat sa halos tatlong taon na nakasama kita,
hanggang sa muli,
Paalam.
~Hydrogenx
No comments:
Post a Comment