
Pagkabukas mo pa lamang ng Facebook account ay baha na ng mga posts mula sa iba’t ibang uri ng tao mula sa iba’t ibang dako ng daigdig: matatanda,may pamilya,kabataan,lalaki,babae,binabae,may pusong lalaki at kahit pa sa paslit ang makikita mong nagiistatus ng mga bagay na tungkol sa pagibig. “Pag-Ibig nga naman!”
PAG-IBIG? PAG-IBIG.

Ano nga ba ang pag-ibig sa
iyong pagkakaalam? Nang isinulat ko ang salitang ito sa isang search engine
website sa internet,samu’t saring kahulugan at mga pinatutungkulan ang bagay na
ito. Kabulang na dito ang ahensya ng gobyerno,at ang iba’t ibang klaseng
depinisyon,konotasyon at denotasyon nito bilang isang
Ano nga ba ang pag-ibig sa
iyong pagkakaalam? Nang isinulat ko ang salitang ito sa isang search engine
website sa internet,samu’t saring kahulugan at mga pinatutungkulan ang bagay na
ito. Kabulang na dito ang ahensya ng gobyerno,at ang iba’t ibang klaseng
depinisyon,konotasyon at denotasyon nito bilang isang emosyon na
umiiral sa bawat tao. Halimbawa na ang ilang resultang nakasalin sa wikang
Ingles sa ibaba:
Love is a variety of different feelings, states, and attitudes
that ranges from interpersonal affection
– Wikipedia
strong
affection for another arising out of kinship or personal ties maternal love for a child (2) :
attraction based on sexual desire : affection and tenderness felt by lovers
– Merriam Webster Dictionary
Love is one of the most profound emotions known to
human beings – Psychology Today
Sa inyong mahihinuha sa mga iba’t ibang pakahulugan ng salitang
pag-ibig,nag-iiba iba ang konteksto nito depende sa kung kanino nangagaling ang
sagot. May nagsabi pa nga na ang pag-ibig daw ang nagpapaikot a mundo. Ikaw ba
ay sang-ayon?;ngunit ano pa man ang iyong panig,ang pag-ibig ay isang paksang
may walang katapusang ibig sabihin at mayroon itong iba’t ibang uri na dapat
mong malaman.
EROS


Ito ang uri ng pag-ibig kung saan may kapaloob na sexual
desire o pagnanasa ang isang tao. Madalas sa klase ng relasyong mayroon dito ay
binubuo ng magkaibang kasarian,karaniwan sa mag-asawa ngunit madalas ay mayroon
din sa mga magkasintahan. Noong unang panahon ay itinuring nila itong
mapanganib sapagkat ang ganitong klase ng pag ibig daw ay maaaring makakontrol
sa sistema ng isang tao.
PHILIA

Ito ang klase ng pag-ibig na mas pinahalagahan ng mga unang
Griyego. Ang Philia ay mas malalim na konteksto kung ikukumpara sa Eros. Ito
ang klase ng pag-ibig na may katapatan at pagsasakripisyo,gaya ng mayroon sa
mga magkakapatiran/magkakapatid,ang isa pang klase ng philia ang storge,uri ng pag-ibig ng nanay sa
kanyang mga anak: pamilya sa pamilya.
LUDUS


Ito ay sinasabi ring mapaglarong pag-ibig. Ito ay klase ng
pag-ibig na kinapapalooban ng simpleng landian lamang sa pagitan ng babae at ng
lalaki. Ito rin ay ipinatutungkol sa mga batang magkasintahan o yung sinasabing
child’s romance. Walang commitment sa pagitan ng dalawang tao at panandaliang
kasiyahan lamang ang naidudulot nito. Sa aking pananaw,marami sa mga tao ngayon
ang nagsasabuhay nito.
AGAPE


Ito ang klase ng pag-ibig na walang kinapapaloobang
kondisyon. “Selfless” sa wikang Ingles ang isa pa nitong katumbas. Ang agape
para sa mga kristiyano ay ang pag-ibig ng Diyos kung saan walang hanggan at
walang hanggang pagpapatawad datapwat sa lahat ng pagkakasala ng mga tao.
PRAGMA


Ito ang klase ng pag-ibig na nabuo sa mga matatagal at subok
na relasyon kagaya nang sa mag-asawa. Sa bagay na ito,ipinapairal ang mahabang
pasensya at pagpapatawad upang magpatuloy ang relasyon ngunit ang mas
ipinopokus nito ay ang magbigay ng pag-ibig kaysa makatanggap nito. Kumbaga sa
Ingles “Stand in love kaysa Fall in love”. Para sa akin,ang pag-ibig na ito ay
isang desisyon.
PHILAUTIA


Ito ang pagmamahal o pag-ibig sa sarili. Wala namang masama
sa pagmamahal natin sa sarili dahil dito maalagaan natin lubos ang ating
pangangatawan,kalusugan at lahat ng nasasaklaw sa atin bilang tao ngunit ang
lahat ng sobra ay nakasasama. Ang ibang termino para dito ay “Narcissist” na
isinalin din ng mga kabataan sa may pagkakaparehong konteksto ng ‘GGSS” o
Gandang Ganda/Gwapong Gwapo Sa Sarili.
Kung ibubuod,ang salitang pag-ibig ay may walang katapusang
ibig sabihin para sa bawat taong makakasalamuha natin ngunit mahalagang malaman
natin na may iba’t iba itong kasidhian at kasukdulan.
Ikaw? Anong pag-ibig ang mayroon ka?
~Decoder
No comments:
Post a Comment