
Karamihan saatin ay naninirahan sa isang magulo, maingay at mataong lugar. Yung araw araw na lumipas, ang dasal mo lang ay ang makatawid sa susunod na pagsikat ng araw. Ngunit isang araw nagtungo ako sa lugar kung saan inakala ko'y isa ulit magulong mundo, sa pagnanasa na sarili'y matagpuan. Ngunit sa lugar na aking napuntahan ay isang tahimik at napakagandang lugar, sa lugar kung saan ko natagpuan ang tunay na ligaya, walang problema nalilikha kundi katahimikan at napakapreskong lugar. Dumating ang panibagong araw sa mala-paraisong lugar, sinalubong ang panibagong umaga bitbit ang bagong pagasa at pangarap na unti unti mong binuo sa lugar gaya nito, tutuparin sa bawat pahinang binubuklat at sinasaisip.
Ngunit ako'y muling lilisan sa napakagandang paraiso iyong nilikha, tila ba sa mga yabag papalayo nakikiusap ito na dumito muna't manalagi sapagkat nararamdamam mo na ako'y muling tatangis, sa darating na mga araw ikaw ay muling mag iisa, o napakapayapang paraiso salamat sa kaunting panahon na aking pamamalagi sa iyong napakapayapang lugar na iyong ibinahagi. Eto na pabalik na sa dating maingay na mundo aking kina-gisnan tila ba'y ako ay nagkamali sa akinv pinatunguhan, ang lakbay na inasam ay wala rin palag sukli. Bakit nga ba lumayo pa? Di ko lubos na mawari na ang hinahanap kong sarili ay nasa akin lang din pala. Tila isang hanging nagmula sa kawala'y ang umihip saakin sa katotoohanan.
~Hydrogenx
~Hydrogenx
No comments:
Post a Comment