Maraming tao sa mundo na nais matikman ang lahat ng pagkaen
Maraming tao sa mundo na nais masuot ang lahat ng damit
Maraming tao sa mundo na nais lahat ng gusto nila ay makuha
Pero may mga tao pa ren na masasaya sa maliliit na bagay sa mundo
Masasabi kong isa na ako sa mga taong ito
Dahil sa mga simpleng bagay masaya na ako
makasama ko lang yung taong mahal ko sa aking paglalakbay malayo man o malapit
kumaen ng pagkaen sa tabi-tabi
mag suot ng mga lumang damit
at yung gusto ko nakuha ko na at sapat na sa akin yun at hindi na muling hihiling pa pero kung may isang bagay pa akong hihilingin sa mundo ay yung manatili siya hanggang sa dulo.

~Danger
No comments:
Post a Comment