![]() |
| © Google |
Inay, Siyam na pung taon na ang naka lipas simula nung niluwal mo ako mula sa iyong sinapupunan
Inay, Naalala mo pa ba nung kung ilang beses ka umiri
Inay, Naalala mo pa ba kung paano ako paluhin sa pwet para lamang umiyak ako
Inay, Naalala mo pa ba kung paano ako putulin mga pusod na nag dudugtong sa atin
Inay, Naalala mo pa ba kung paano ako balutan ng mga sapin at ilagay sa tabi mo
Inay, Naalala mo pa ba kung gaano ka kasaya nung una mo akong nakita
![]() |
Inay alam kong hindi mo yan makaka limutan at ito'y tatak sa isip at puso mo pang habang buhay
kung na ikwento mo lang sana sa akin to, hindi ko ren makakalimutan ang lahat ng iyan
Inay ikaw ang nagsilbing ama't ina sa akin magmula nung ako bata pa hanggang sa mga oras na ito
siguro nga hindi para sa ating dalawa ang tinatawag nilang buong pamilya na may sangkap na
tatay,nanay at mga anak. Nung ako ay bata pa hindi ko naman pansin na may kulang dahil iyo naman itong napupunan at ng mga taong naka paligid sa atin
ngunit dumating na ang panahon na ako'y nagkaroon ng tamang pag iisip at tilay napapansin na ang kulang sa tinatawag nating pamilya,
Nagtanong sa aking sarili " Bakit yung iba may lalaki na tinawag nilang tatay sa pamilya nila? Bakit yung sa akin wala?
Lumipas ang mga taon, dumating ka sa punto na kailangan mo akong iwan sa poder nila lola't lolo ko
upang magtrabaho para sa aking kinabukasan
Wala man lang nabangit na ikaw ay lilisan, na sana ako man lang sana'y naka yakap
Tila'y walang emosyon akong naka tingin mula sa ating bintana tinatanaw ang unti-unti mong paglayo
Inay, sana naman ikaw bumalik na
humihiling kay Bathala, Na sana isang araw pag gising ko ikaw ang bubungad sa akin
Inay, bigla kong naalala ang kantang " Sa Ugoy ng duyan"
ang bawat mensahe ng kanta na para bang siyang naglalahad ng nangyari sa ating buhay
" Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan"
~Danger
~Danger


No comments:
Post a Comment