Sabay nating binubo ang ating mga plano para sa ikakabuti natin
Sabay nating tiningala ang langit upang matanaw ang bituin natin
Sabay nating nilakaran ang daan na siyang nag husga sa atin
Sabay nating hinarap ang bawat pagsubok na binigay sa atin
Sabay tayong ngumiti ng magtagpo ang ating mga mata
Sabay tayong tumahimik ng matapos ang malakas nating tawa
Sabay man tayong nag lakbay
mananatili akong maiiwan sa tulay
unti-unting bibitawan ang iyong kamay
upang maituloy mo ang iyong paglalakbay
~Danger
No comments:
Post a Comment