Friday, July 14, 2017

PANG HABANG BUHAY



Yung kahit hindi naman kami karamihan at may kakontian atleast walang plastikan. Sa bawat araw na magkakasama walang tagpong hindi masaya. Hindi man kami mayayaman, kagwapuhan at kagandahan atleast kuntento kami kung ano ang aming nakayanan. 


Siguro nga bawat isa samin ay hindi perpektong kaibigan, dahil wala naman talagang perpekto, may asaran, kulitan,  at hindi mga pagkaka intindihan kung minsan pero dahil mas importante ang pinagsamahan kesa pinag awayan naayos rin agad agaran. 

Mahalaga bawat isa, walang naiiwan walang nauuna. 
Lahat may kanya kanyang naiibang katangian. Bawat isa espesyal, at kahit ano mang sabihin ng iba kami kami ang nag kakaintindihan. Yung kahit isang tinginan lang alam na kung ano ang sinasabi. 
Sila yung kayamanang hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano mang bagay. 

Mahal ko bawat isa, pwedeng magpayo pag may hindi nag kaintindihan, pero kahit kelan wala ka dapat panigan. Tulungan mo silang magkaayos, hindi yung gusot na nga, lulukutin mo pa. 
Kaibigan sabi nila, pero para sakin hindiang sila basta kaibigan lang sila yung mga kapatid ko, sa iba't ibang magulang. 
Nagkakatalo lang pag pagkain ang usapan at pare parehong kumakalam ang tiyan.

                                                                         
                                                                                 ~Style 

No comments:

Post a Comment