Friday, June 30, 2017

Takip silip sa tabing dagat



Sa pagdating bagong umaga ay may bagong pag asang ang hatid saatin. Bagong pagsubok na kakaharapin at bagong lesson sa buhay ang matutunan. Gayon pa man sa bawat araw na sisibol ay may takip silim na nagpahihiwatig na ang isang buong araw na produktibo ay matatapos na, kaya naman habang pinagmamasdan mo ang paglubog nito isinasaisip mo ang mga nangyari sa buong arawna ginugulan mo ng oras.
Takip silim na nagbabadya na ang panibagong buhay na hiram ay matatapos na. Sa bawat sulok ng iyong mga mata ay nagagalak sa ganda ng araw na papalubog. Marahil tayo maraming pasan sa buong araw na nagdaan, galak sa puso ang pagtanaw sa langit at sa araw na papalubog, ang pagupo sa batuhan sa dalampasigan ang nagsisilbing saksi sa iyong tunay na ikaw.
~Hydrogenx

No comments:

Post a Comment