Mula sa bayan ng Cavite City taon-taon pinagdiriwang ang "Water Festival" o mas kilala sa tawag na "REGADA" ang salitang "REGADA" ay nag mula sa wikang espanyol na may kahulugang "Tubig" ang kapistahang ay hango sa Pista ng Santo na si Juan Bautista ang nag Bautismo kay Jesus Kristo ang siyang na taga pagligtas, Dinaraos ang kapistahang ito sabay sa kapistahan ni San Juan Bautista sa petsa ng Hunyo 24. Bilang isang Caviteño ang isa to mga mahahalagang pista na dahil na rin ang Cavite ay napapaligiran ng katubigan pasasalamat na ren ito ng mga tao sa magandang dagat na isa mga pangunahing hanap buhay ng mga Caviteño. Sa pag lipas ng maraming taon nag iiba na ang uri ng pag diriwang ng kapistahan, nag karoon ng mga tinawag nilang "shower" sa kahabaan ng P.Burgos Ave. at ang sentro ng pag diriwang ay malapit sa pamilihang bayan ng lungsod, ngunit hindi pa rin nawawala ang pinaka sentro ng mensahe ng pista ang pag libot ng rebulto ni Juan Bautista sa lungsod.

No comments:
Post a Comment