Friday, June 30, 2017

KAIBIGAN



Panibagong araw, biglang nagkayayaan sa malayong lugar. Magandang tanawin masarap na pagkain at masasayang kwentuhan sana wala ng katapusan, dahil sa mga oras na yun isang tunay na kaibigan ang kasama ko.

Swerte parin ako kasi kahit na nagkakatampuhan paminsan minsan at may mga hindi pagkakaintindihan eto parin tayo nananatiling magkaibigan. Masasabi kong mabuti kang kaibigan kahit na marami tayong pagkakaiba.
Hindi tayo parehas na perpektong kaibigan, alam ko at alam mo din yun. Pero atleast sa oras kailangan natin ang isat isa nandun tayo at nagdadamayan.
Ayaw natin parehas na nalulungkot kaya pag tayo magkakasama ayun, parang mga takas. Kung mga makatawa parang wala ng bukas. Okay na ako, okay na akong konti lang ang kaibigan ko basta lahat totoong tao.
Para sakin hindi ka lang isang kaibigan, kundi isang kapatid hindi sa dugo pero sa puso.
Sana sa mga pagkakataong tayo ay magkasama sana masaya ka. Kasi naman minsan pag isa satin magda drama agad agad nababara.
~Style


                       
                                                                                                                     

No comments:

Post a Comment