Pagkagising
natin sa umaga,sa panahong idinilat na natin ang ating mga mata,ano nga ba ang
unang hinahanap natin?

Ito ba’y bibliya upang sa paggising natin ay magpasalamat agad tayo sa Maykapal sa buhay na muli niyang ipinagkaloob? Ito ba’y tinapay at kape na dadantay at magpapainit sa ating mga kalamnan? O ito ba’y si Nanay o Tatay na yayakapin natin ng mahigpit dahil makakasama muli natin sila sa isang buong araw? Kaysarap sanang marinig kung ito nga ang mga bagay na ating hinahanap at ginagawa sa ating paggising ngunit tanggapin na natin na sa modernong panahon na ‘to na ating ginagalawan ay hindi na ito ang ating makikita at matutunghayan. Kung dati’y bibliya,pagkain o ang pamilya,ang ating unang hinahanap sa umaga ngayon,ay cellphone na.

Sa istatistika para
sa 2017 na nagmula sa The Statistics Portal ay humigit kumulang 33.3
milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagmamay-ari ng smart phones o yung
tinatawag nating Android phones. Di maikakaila na sa paglipas pa ng panahon ay
lolobo pa ang istatistikang ito.
Matagal ko ng nasa isip ito ngunit muling
nagising ang aking diwa dahil sa sinabi ng aming guro sa Understanding
Culture,Society and Politics (UCSP) kung saan ko napagtanto na ang laki na ng naging
epekto ng teknolohiya sa ating pakikisalamuha,tunay na ang mundong ito’y
pinaliit na ng mga gadgets na mayroon tayo ngayon. Sabi nga sa Ingles- “So
close,yet so far”.

Tunay nga bang
napapalapit tayo sa isa’t isa ng teknolohiya o hindi natin namamalayan na
kabaligtaran na ang nagiging resulta nito sa sarili at pamumuhay natin. Ang mga
batian ay naging mga chat na lamang,ang pagsasabi at paghahayag ng saloobin ay
hindi na masambit ng bibig at naging mga posts na lamang,ang mga di
pagkakaunawaan ay di na napapagusapan bagkus ay nauuwi sa parinigan,ang mga
pagbati sa kaarawan ay pinapaalala na lamang ng Facebook. Tunay na
nakakalungkot dahil tila nakalimutan na natin ang mas malaking mundong ating
ginagalawan ng dahil sa Virtual Community na kinapapalooban natin sa Internet. Tayo’y
nakalimot sa reyalidad na sa pagalis natin ng pagkakatingin sa harap ng screen
o monitor ng ating mga cellphone ay makakasalamuha natin ang mga taong kaibigan
at KAAWAY natin online. Awkwarrrrd!

~Decoder

Nakakamiss ang mga
panahon kung saan mas may pakialam tayo sa mga taong nasa paligid natin kaysa
sa likes at friend requests na nakukuha natin sa Internet. Sa mga panahong mas
saulo pa natin ang mga kapitbahay natin kesa sa password ng mga cellphone
natin. Sa mga panahong ang paglilibang natin ay ang paglalaro- sungka,luksong
baka,luksong tinik,chinese garter,sikyo,tumbang preso,tagu-taguan.
Sa mundong ating
ginagalawan,tayo nga ba ay malaya o tila nakagapos na sa teknolohiya? Baka
naman namimiss ka na nung kabatian mo dati,baka namimiss ka na nung lagi mong
kakwentuhan nung wala ka pang Samsung Galaxy,o baka nagtatampo na sayo yung
mama mong di mo man lang mahalikan sa pisngi.
Kaylapit,Ngunit Kaylaro Rin. Ibaba mo na muna
yang cellphone mo,tapikin mo naman yang katabi mo saka mo
sabihin “Kumusta ka na,kaibigan?” ~Decoder
No comments:
Post a Comment